top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

RED LIONS AT PIRATES KAKAPIT SA 2ND WIN?

A. Servinio
Jul 12, 2019
2 min read

KAKALDIGIN ng defending champions San Beda University at Lyceum of the Philippines University ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre ngayong araw.

Mabigat na paborito ang Red Lions at Pirates, mga koponan na parehong nagwagi sa pagbubukas ng liga noong Linggo, ngunit hindi sila dapat maging kampante sa kanilang mga kalaro na mga galing sa pagkatalo.

Unang sasabak ang Red Lions sa Jose Rizal University Heavy Bombers ng alas-12:00 ng tanghali at aasahan ng San Beda sina Donald Tankoua, James Canlas Kwekuteye at Evan Nelle na uulitin ang ipinakita sa kanilang 59-46 na tagumpay sa host school Arellano University.

Susubakan ng Lyceum ang Emilio Aguinaldo College sa tampok na laro ng alas-4:00 ng hapon at gagawin nila ang lahat para sundan ang kanilang 84-80 na panalo sa Colegio de San Juan de Letran. Kailangang hanapan ng paraan ng EAC na pigilan sina Jaycee Marcelino, Jayvee Marcelino at kapitan na si Reymar Caduyac na talagang nagpakitanggilas kontra sa Knights.

Nabitin ang EAC sa College of Saint Benilde Blazers noon Martes, 66-69. Sinikap, pero kinapos sina John Paul Maguliano at Jethro Mendoza na pahabulin ang Generals kaya determinado silang bumawi ngayon.

Sa gitna ng dalawang laro, gagawin ng Letran at Arellano ang lahat para makaiwas sa kartadang 0-2 panalo-talo sa kanilang tapatan ng alas-2:00 p.m. Kailangang makabawi ang Knights sa pangunguna nina Jerrick Balanza at

Larry Muyang kontra sa Chiefs at ang kanilang beteranong guwardiyang sina Kent Salado at sentro Justin Arana.

Samantala, nagbuhos ng limang tres si RK Ilagan para tambakan ng San Sebastian College ang JRU, 82-51, sa ikatlo at huling laro ng Seniors noong Martes. Nagtapos si Ilagan na may 25 puntos at limang assists at sinundan siya ni Alvin Capobres na may 16 puntos at anim na rebounds.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page