top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Movie, ayaw na raw sanang tapusin…KATHRYN, UMAMING MUNTIK NANG LAYASAN ANG SHOOTING NILA NI ALDEN SA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2019
3 min read

MUNTIK-muntikan na palang layasan ni Kath­ryn Bernardo ang shooting ng first ever movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong.

Ayon kay Kathryn, “Gusto ko nang magpa-book ng ticket, kasi ayoko nang tapusin ang movie kasi hirap na hirap na ako.”

Pinagbawalan kasi si Kathryn ni Direk Cathy Garcia-Molina na makipagtsikahan sa buong cast ng movie na nasa HK, maging sa mga staff and crew.

Kakausapin lang si Kathryn ng staff kapag may ipinasasabi sa kanya si Direk Cathy. Gusto kasi ni direk na maramdaman nang todo-todo ni Kath ang sobrang kalungkutan and pain na pinagdaraanan ng karakter niya sa movie na si Joy.

Kaso, pati raw ang bf ni Kathryn na si Daniel Padilla, nakikita kung ano ang nangyayari sa aktres. Kaya ang nang­yayari, hindi rin nakakatulog si Daniel habang nasa Pili­pinas dahil nag-aalala siya kay Kathryn na nasa HK.

“Sinabi na lang namin na mag-update-an kapag nasa shoot. Eh, kinumpiska rin ‘yung phone ko. So, my God! Paano ako mag-a-update? Hahaha! Tapos, lalo kapag mabi­gat ang scenes ko, ma­dalas, bawal akong luma­bas kaya hindi ako nakakapag-update sa kanya,” kuwento pa niya.

Sa pangyayaring ‘to, may lesson daw silang natutunan ni Daniel, at ‘yun ay to keep their trust for each other.

“‘Yung sinasabi ko lang palagi sa kanya na tiwala lang. Sinabi ko rin sa kanya na ‘Mahihirapan akong magtra­­baho kung may mabigat sa loob mo,’ ganyan.”

After that, full support na raw ang ibinibigay ni Daniel sa proyekto ni Kathryn especially nu’ng na-meet na ni Teen King si Alden.

“So, ang naging challenge lang sa amin, kung ganu’n katagal maghiwalay, ay, talagang super-hirap! Kaya hayun, all-out siya, supportive siya rito sa movie.”

Si Alden naman, all-praises nu’ng ma-meet niya si Daniel through Kathryn.

“Si DJ din, nagkikita rin kami kapag (may mga) events. And ah, medyo hi-hello lang. Eto, mas personal kasi nakatrabaho ko si Kath. And ‘yung official talaga na nag-usap kami was nu’ng pumunta si DJ sa tent ko. Hindi po sa Hong Kong. Hindi po kami nagkita ru’n,” lahad naman ni Alden.

Nagkita sila ni Daniel sa HK pero nagkahiyaan daw sila.

“Ganu’n po talaga kapag instant. Mabait po si Daniel at talagang nag-congratulate siya. At kinongratyuleyt din niya ang pelikula, at nagpasalamat din siya na inalagaan ko si Kathryn. So, parang ang gaan lang po ng pelikula dahil wala kaming nasagasaan kahit sinong tao.”

All-praises naman ang taga-Star Cinema na si Mico del Rosario kay Alden dahil sadyang mabait daw ang aktor. Patunay niya ang paglalakad mag-isa ni Alden sa HK pabalik sa hotel niya after ng shooting nila.

Hindi raw alam ni Alden na may sasakyang magha­hatid sa kanila pabalik ng hotel.

Natuwa rin kami kay Alden when it’s time to give his parting shot and did his ‘thank you’ speech sa mga taong tumulong sa kanya to fulfill his dream of working with Direk Cathy and make a movie under Star Cinema.

Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang talent manager from Asian Artist Agency na si Phillip Roxas. Long time friend ni Alden si Phillip or most commonly known sa showbiz bilang si Dada. Nagta-try pa lang sa Pinoy Big Brother si Alden noon, eh, nand’yan na si Phillip sa buhay niya na nilapitan ng naka-discover sa Kapuso actor.

Si Phillip ang naging daan para makontak ng Star Cinema si Alden for a project. Naka-tatlo hanggang apat na meetings, more or less, ang nangyari bago na-close ang deal between Star Cinema and Alden.

Present si Phillip sa lahat ng meetings na ‘yan, ha? And so, nu’ng nag-shoot na si Alden sa HK, nag-text siya kay Phillip and asked him kung ‘di raw ba siya pupunta ru’n?

Imagine, ‘di talaga nakalimutan ni Alden si Phillip, ha?

Sad to say, up to now ay ‘di pa rin ulit nagkikita sina Alden at Phillip.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page