Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAKAPAG-SAUDI SA TULONG NG KAIBIGAN
- BULGAR

- Jul 12, 2019
- 1 min read

KATANUNGAN
May pag-asa ba akong maging driver sa Saudi kung sakaling mag-a-apply ako? Kasalukuyan akong driver ng truck ng basura sa aming barangay kaya maliit lang ang suweldo ko.
Sa ngayon ay nag-aayos ako ng mga papeles dahil may pangako sa akin ‘yung kumpare ko na nasa Saudi na tutulungan daw niya ako. Pinadalhan niya ako ng panggastos para pang-ayos ko ng mga papeles.
Itatanong ko lang kung matutuloy ako at kung sakaling matuloy ako, magiging maganda kaya ang kalagayan ko sa Saudi?
KASAGUTAN
Kung tinutulungan ka ng kumpare mo sa pinansiyal at iba pang mga bagay, samantalahin mo na ang pagkakataon kaysa manatili ka sa kasalukuyan mong trabaho na maliit lang ang suweldo.
Minsan, kailangang lakasan natin ang ating loob upang umangat ang kalagayang pangkabuhayan dahil kung mananatili kang walang ginagawa para mabago ang buhay mo, malungkot ang kahihinatnan, hindi ka uunlad. Ang kahirapang dinadala mo ngayon ay maaari pang manahin ng mga magiging anak at apo mo.
Samantala, sadyang malawak at maganda ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na basta sumunod ka sa mga ipinagagawa sa iyo ng iyong kumpare, tiyak ang magaganap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may masagana at mabungang pag-a-abroad kang mararanasan.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Fred, ituloy mo lang ang kasalukuyan mong ginagawang pag-a-apply sa abroad sapagkat sa malapit na hinaharap, tiyak ang magaganap, sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Enero o kaya ay Pebrero, sa edad mong 28 pataas, may mabunga at mabiyayang pagsa-Saudi na itatala sa iyong kapalaran.




Comments