top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung sa Siyete, oks lang kahit mataba siya… SIGAW NI ALDEN: MARAMI AKONG NATUTUNAN SA DOS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2019
  • 2 min read

NATUWA si Alden Richards nang punahin ng isang entertainment editor kung gaano kalaki ang ipinayat niya ngayon. Proud ang actor dahil talaga namang pinaghirapan niya ang weight niya ngayon at talagang nag-diet at nag-workout siya.

Ang naging motivation niya sa pag­pa­papayat? Ang direktor nila sa Hello, Love, Goodbye na si Cathy Garcia-Molina.

Kuwento ni Alden, talagang sinabihan daw siya ni Direk Cathy sa look test pa lang nila ni Kathryn Bernardo na mataba siya.

“During the look test po, we did a couple of looks, kami po ni Kath, actually, more on my part po, well, si Kath din po, nagpaliit. Parang nakikita ko na po si direk, parang may hinahanap. Parang naghahanap po ng panga,” pagri-recall ni Alden.

After several test shots, hindi na raw napigilan ni Direk Cathy at diretso na siyang sinabihan.

Alden, halika rito, tingnan mo ang taba mo,” sabi raw ng lady director.

Pero sa halip na ma-offend ay ‘yun daw ang naging driving force niya para talagang magpapayat. Sinabi raw niya kay direk na the next time na magkita sila ay hindi na ganu’n ang hitsura niya.

After the look test kasi ay may one month preparation pa raw sila para sumabak sa shooting kaya ginamit niya ang isang buwan na ‘yun para magpapayat.

And he kept his word,” sabi ni Direk Cathy.

Around 20-25 lbs. daw ang nabawas sa kanyang timbang in a month and half’s time.

Sarili ko pong program. I never asked any help. I just did my own workouts, did my own meal diet. So, kaya ko pala siyang mag-isa,” proud na sabi pa ni Alden.

Nagbiro nga si Alden na ang last project daw kasi niya before Hello, Love, Good­bye ay Victor Magtanggol and that time, he had to gain some muscles, pero ang na-gain daw niya yata ay taba.

Marami po akong naging discoveries sa sarili ko with this movie and I’m really happy I was able to work with these amazing people and amazing director. Kasi binago po ni direk ‘yung the way I see my work now, na hindi puwedeng half-baked ang commitment. Kailangang ‘pag may ginagawa ka, ibuhos mo lahat,” he said.

Doing this film made Kathryn and Alden and even Direk Cathy realize na puwede naman palang magsama ang Kapamilya at Kapuso stars.

“Masaya kami ni Alden dahil nakita namin dito sa movie na parang nawala ‘yung hati ng Kapuso at Kapamilya,” sey ni Kathryn na inayunan naman ni Alden.

“Yes po, parang ang sarap po ng (pakiramdam). Of course I’m very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito.

“May hindi po ako makakalimutang sinabi ni Direk Cathy when we were in the storycon, when we were being interviewed by the TV crew. Nu’ng makita po ni direk na magkatabi ‘yung mic nu’ng ABS at GMA, sabi niya, ‘Ay, puwede pala.’

“So, sana po, ito ‘yung mag-start ng collaboration ng different networks, different artists, actors na sa isang project magsama and to be able to tell a good story to the audience,” pahayag ni Alden.

Nang tanungin kung puwede rin bang makita si Kathryn na mag-crossover sa GMA Network, anang young actress, “Ako, okay po sa akin. Kung payagan po nila, ‘di ba? I would love to crossover naman.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page