top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ARDINA, ILALABAS ANG PINAKA-PETMALUNG PALO SA OHIO GOLF

Eddie M. Paez, Jr.
Jul 12, 2019
1 min read

UMAASA ang Pinay golfer na si Dottie Ardina na magpapatuloy sa pag-angat ang kanyang laro at ang kanyang ranggo sa pinakamalupit na golf tour ng mga kababaihan sa buong mundo sa pagsabak niya sa Marathon Classic Tournament na masasaksihan sa palaruan ng Highland Meadows Golf Club ng Sylvania, Ohio simula ngayong Biyernes ng umaga (oras sa Pilipinas).

Sariwa si Ardina sa pagrerehistro ng isang top 15 finish sa 2019 Thornberry Creek Tournament sa Thornberry Creek at Oneida -Legends Championships Course ng Wisconsin na pinagwagian ni Shanshan Feng ng China.

Sa naturang paligsahan, kumartada ang dating premyadong jungolfer ng Pilipinas ng isang umuusok na 20-under-par 268 mula sa iskor na 68, 67, 67 at 66 sa apat na rounds para sa kanyang pinakamakinang na pagpaparamdam sa Ladies Professional Golf Association (LPGA).

Bukod sa gantimpalang nagkakahalaga ng USD 25,166, itinulak din si Ardina mula sa pang-140 na baytang paakyat sa pang-122 na puwesto sa tour standings.

Ang Fil-Am parbuster namang si Clariss Guce, anak ng dating sikat na hinete ng Pilipinas, ay nasa pang 139 na posisyon sa nabanggit na listahan.

Mayroong naipon na 107 puntos sa tour si Ardina samantalang si Guce, na sasabak din sa Marathon Classic, ay nagsumite ng 66 puntos.

Pero hindi kuntento si Ardina. Dala ang tibay ng dibdib at determinasyon, pagkatapos ng 14 na torneo, desidido siyang mabura ang sampung “missed cuts” na sumampal sa kanyang LPGA campaign ngayong 2019.

Isang taktika na gagamitin ng pambato ng Laguna, ang “one hole at a time” na mindset.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page