top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PANLULUPIG NG CARGO KAYA BA NG MARINERA?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2019
  • 2 min read

MALINIS na pagwalis sa first round game ang pakay ng Powerhouse F2 Logistics sa pagharap sa katunggaling Marinerang Pilipina sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Muntinlupa Sports Center.

ANG aksiyon ay magsisimula ng 4:15 p.m. kung saan, pakay ng Cargo Movers ang ikatlong sunod na panalo sa prestihiyosong women’s club tourney.

Sa kabilang banda, nais ding makabalik ng Generika-Ayala sa winning track sa sandaling makasagupa ang PLDT Home Fibr sa ikalawang laro ng 7 p.m.

Sa pangunguna ni Filipino-American Kalei Mau, umangat ang Cargo Movers sa ika-6 na diretsong panalo, iniwan ang karibal na Petron (5-1), Generika-Ayala (4-2) at Foton (4-3) at nakatuntong sa second, third at fourth spots ayon sa pagkakasunod.

Humuhusay pa ang laro ni Mau, dating Arizona star na lumipat sa Cargo Movers kasunod ng pagkakaalis ng United VC at may maayos nang chemistry sa mainstays na sina Aby Maraño, Dawn Macandili, Ara Galang, Kianna Dy at Majoy Baron.

Sa katatapos lang na 25-15, 25-14, 25-21 na panalo kontra Sta. Lucia sa Silay City, umatake ang opensa ni Mau bago tinapos nina Maraño at Galang ang laro sa walang bahid-mantsang marka ng Cargo Movers.

Para kay F2 Logistics head coach Ramil de Jesus, wala pa naman silang nararating.

Our record in the eliminations is not important. It’s just a confidence booster for us,” ayon kay de Jesus, na nais na muling maangkin ang All-Filipino crown na naging mailap sa kanila sa nakaraang dalawang taon.

“The quarterfinals are the most important because even if you end up on top but losses to a lower-seed team, all your effort in the elimination round will be wasted.”

Abangan din ang laban sa pagitan ng Generika-Ayala at PLDT.

Matapos na sumakay sa four-game winning streak, napayuko ang Lifesavers sa 18-25, 12-25, 16-25 sa Petron noong Martes sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City. Sumuko ang Lifesavers sa Blaze Spikers dahil sa panghihina sa net defense nina Patty Orendain at Fiola Ceballos.

Pero hindi naging madali, dahil pakay ng Power Hitters na gamutin ang sugatang team makaraang dumanas ng tatlong pagkatalo, kabilang na ang 16-25, 27-29, 22-25 na kabiguan sa Petron ng nakaraang weekend sa Malolos City.(MC)

Laro Ngayon: (Muntinlupa Sports Center)

4:15 pm — Marinerang Pilipina vs F2 Logistics

7:00 pm — Generika-Ayala vs PLDT

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page