top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Negosyante natagpuang patay

Pabs Hernandez III
Jul 11, 2019
1 min read

LAPU-LAPU CITY—Isang negosyante ang natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa loob ng kanyang kotse, kamakalawa sa Bgy. Pusok sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Ronald Tagcos, nakatira sa nabanggit na lungsod. Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kotse.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan sa tabi ng bangkay ni Tagcos ang baril na kalibre .38 revolver at dahil dito ay inaalam na ng mga awtoridad kung nag-suicide o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page