ISA NA LANG SA SMASHERS, PERLAS SPIKERS, NAKAUNA


KAILANGAN na lamang ng defending champion Creamline ang isang matinding timing upang lupigin ang PetroGazz, 24-26, 25-16, 25-16, 25-22, kagabi at makaunang panalo sa best-of-three Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Finals sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Ibinigay ng Cool Smashers ang huling lakas at bentahe sa pagiging dating kampeon upang patahimikin ang Angels at kunin ang ika- 12th straight victory at tuluyang itala ang isa na lamang na panalo para makumpleto ang grand slam.
Ang Creamline ang nag-reyna sa import-laden sa Open Conferences ng nakaraang taon. Naiiwan pa sa 3-8 pagkapanhik sa 4th set, ipinakita ng Cool Smashers ang pagkabeterano sa dikdikang finals at makapatas sa 9. Mula roon, naging mahigpit na ang laban at kinakitaan na ng bangis ang Creamline. Ang Game 2 ay idaraos sa Sabado. Nakalamang kaagad ang Creamline sa lakas ni Thai import Kuttika Kaewpin kontra PetroGazz sa opening set sa bisa ng 21-15 at pakabugin pa hanggang 24-23, bagamat dumikit ang Gazz.
Nauna rito, naipanalo ng BanKo ang unang laro ng sarili nilang best-of-3 series para sa third place ng Pacific Town-Army, 25-27, 10-25, 27-25, 26-24, 16-14. Nalusutan ng Perlas Spikers ang matinding laban na itinayo ng Lady Troopers sa makapigil-hiningang decider set.
Binasag ni Ukrainian Lena Lymareva-Flink ng Army ang pagkakatabla ng laro sa 12-all ngunit, agad din itong itinabla ng Banko sa pamamagitan ni Thai import Sutadta Chuewulim.
Lumamang pa ulit ang Lady Troopers sa huling pagkakataon sa pamamagitan ni American import Jenelle Jordan ngunit, naitabla rin ito agad ni Sue Roces sa 14-all sa pamamagitan ng isang running attack.
Kasunod nito, inilagay ni Nicole Tiamzon ang BanKo sa match point advantage bago sila niregaluhan ng puntos ng Army para ganap na makamit ang panalo ng Perlas Spikers matapos ang attack error ni Royse Tubino.Pinangunahan ni Tiamzon ang panalo sa itinala niyang 18 puntos mula sa 15 attacks, 2 aces at isang block bukod pa sa 13 digs kasunod si Chuewulim at Dzi Gervacio na may 15 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod. (VA)





Comments