DRIVEN VS. GO ON EUGENE SA SLLP

AALAGWA ngayong gabi ang pitong karera sa Additional One Win in Group Races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Balikatan ang mangyayaring laban sa bawat tagpo na bumubuo ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Magsisimula ang karera sa Race 1 at maghaharap ang siyam na 3-Year-Old na mananakbo na pangungunahan ng The Whole Truth, Parokya ni Nitoy, Redmond, Perfect Time, Makarit, Kentucky Rain, Sultanov at Early Bird.
Sa mga kalahok, tatlo ang pinapaboran, ang Parokya ni Nitoy, ang couple entry na Redmond at Perfect Time at Kentucky Rain na simula ng WTA. Sa Race 2, magsisimula ang Pick 6, nakalalamang ang Apo Moon laban sa Storm Goddess, Simply Believe at Princess Atiana.
Ipinapatok ang Single Flower, habang makakalaban ang Indelible Quaker at Dauntless sa pagsisimula ng Pick 5 sa Race 3. Sa Pick 4, labanan ang magaganap sa pagitan ng Driven at Go On Eugene at isama ang Lucky Julliane sa Race 4.
Sa Race 5, nakalalamang ang Lirpa’s Choice kontra Daanbantayan at Boom Boom Thailer. Magaganap ang labanan nina Double Sunrise at Tidal Wave sa Race 6.
Ipinapatok ang Trust In Him sa Race 7, habang ang mga kalahok na Mark The Spot, Refuse to Lose, Nice Yun Halo at She’s My Princess ay paratingan para sa Quartet at Pentafecta.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Parokya ni Nitoy (2) Entry No. 3 Sultanov (7) Race 2- Apo Moon (1) Simply Believe (2) Race 3- Single Flower (6) Dauntless (4) Race 4-Driven (4) Go On Eugene (1) Race 5- Lirpa’s Choice (2) Boom Boom Thailer (4) Race 6- Double Sunrise (3) Tidal Wave (6) Race 7- Trust In Him (1) WTA (1-7) 1-3-7/1-2/6/4/2/3-6/1 Pick 6 (2-7) 1-2/6/4/2/3-6/1 Pick 5 (3-7) 6/4/2/3-6/1 Pick 4 (4-7) 4/2/3-6/1





Comments