top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Yamaha Philippines, may pa-celebration sa mga tatay noong Father’s Day!

Thea Janica Teh
Jul 10, 2019
1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nagsama-sama ang mga haligi ng tahanan sa SMX Convention Center para i-celebrate ang Father’s Day MakinaMotoshow ng Yamaha Motor Philippines.

Nagbigay-pugay ang mga Faster-Son brand sa mga so called “father” o ang mga legendary bike of the past. Ito ay mga naging inspirasyon sa mga bike ngayong tinatawag na­mang “sons”.

Unang ipinamalas ang brand new 2019 XSR 700 na mula sa classic series na “XS”. Kitang-kita ang timeless style dahil sa exposed aluminum details, retro-influenced bodywork, stepped seat at custom lighting and instrumentation. Ito ay may dalawang kulay tulad ng Phantom Blue at Garage Metal.

Bukod pa rito, ipinakita rin ang 2019 Bolt-R o mas kilala na “Urban Performance Bobber” look. Ito ay ginamitan ng modern technology para sa superior riding experience tulad ng iba pang kasing sukat na makina. Ito ay may available color na Tech Graphite na bagay na bagay sa fuel injection at ignition timing maps para sa mas magandang riding performance.

Hindi lang ‘yan mga katsika, natunghayan din ng mga daddy ang XSR900! Ito ay 3-cylinder, 850cc, CP3 cross plane concept engine na may magandang torque at acceleration. Ito ay may super light weight aluminum frame na may combination ng natural riding position para sa mas magandang experience at outstanding agility.

Sobrang nag-enjoy ang mga daddy kasama ang kanilang family dahil nakita nila ang mga pinapangarap na big bikes na gawa ng nag-iisang Yamaha! Sabi nga, “express yourself with the Yamaha Big Bikes”.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page