Wa' paki sa mga masasagasaan kaya maraming galit… MAYOR ISKO, GAYA-GAYA KAY P-DU30 SA GINAGAWA S
- BULGAR

- Jul 10, 2019
- 1 min read

TULUY-TULOY ang ginagawang paglilinis ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang lungsod. At mukhang walang takot at desidido si Mayor Isko sa malaking pagbabago ng Maynila na kanyang naipangako.
Nagsisilbing peg o idolo niya ang palabang si Pangulong Rodrigo Duterte na wala ring kinatatakutan nang magdeklara ng giyera kontra droga. Gustong gayahin ni Mayor Isko ang ginawa ni Pangulong Du30 sa Davao City na nadisiplina at napaunlad noong siya ay mayor pa.
Pero maraming nagmamalasakit kay Mayor Isko ang natatakot at nag-aalala sa napaka-abrupt at malaking aksiyon na ginagawa ngayon ng bagong halal na mayor ng Maynila. Hindi niya kabisado ang mga taong nakapaligid sa kanya. Malalaking tao ang nasa likod ng operasyon sa droga, ganu’n din sa malalaking establishments sa Recto at Divisoria.
Kailangan na magdoble-ingat ang tinaguriang Anak ng Masa at Batang Tondo. Marami siyang lihim na kaaway na dapat niyang pag-ingatan. Hindi lahat ng bagay ay naidadaan sa tapang.





Comments