MARK OF EXCELLENCE VS. CROWNED PRINCE

SA pagpapatuloy ng Additional One Win in Group Races, matutunghayan ang pitong karera ngayong gabi sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas. Napapalooban ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang maglalaban-laban sa Condition Race, Group Race at 3-Year-Old & Above Maiden Race.
Sa panimula ng laban, maghaharap sa Race 1 ang 9 na mananakbo sa Condition Race (19) at buwenamano ng WTA kung saan pinapaboran ang Tempus Fugit, Avenue Shopper, Mount Bulusan at Broadway.
Nakalalamang ang couple entry na High Ranks at Warlock kontra Luyang Cave at couple entry na Azarenka at Attila sa Race 2 na panimula ng Pick 6. Sa Race 3, ipinapatok ang Kingship sa Condition Race Merged (10) at makakalaban ang Kapayapaan, Clear Talk, Kalmot Pusa at Manila Bay.
Sa pagsisimula ng Pick 4 sa Race 4, aalagwa ang Condition Race (19) at pinapaboran ang couple entry na Alim’s Joy at Susie Cat laban sa La Carmona at Hold On.
Sa Race 5, balikatan ang laban sa Condition Race (21) sa pagitan ng Exelero, Prince Jolo, My Priviledge at Fly Like An Eagle. Mahigpit na maglalaban ang Show The Whip, Prinz Lao at Absolute Resistance sa Group Race (11) sa Race 6.
Mahigpit na maglalaban sa 3-Year-Old & Above Maiden Race ang Crowned Prince at Mark of Excellence sa Race 7 na paratingan ng WTA, Pick 6, 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Tempus Fugit (5) Avenue Shopper (4) Race 2- Entry No.3 Luyang Cave (2) Race 3-Kingship (2) Kapayapaan (1) Race 4-Entry No.2 La Carmona (1) Hold On (7) Race 5- Exelero (4) Prince Jolo (5) Fly Like An Eagle (2) Race 6- Wild Talk (4) Absolute Resistance (7) Race 7- Mark of Excellence (8) Crowned Prince (4) WTA (1-7) 4-5/2-3/2/1-2-7/4-5-2/1-2-4-7/8-4 Pick 6 (2-7) 2-3/2/1-2-7/4-5-2/1-2-4-7/8-4 Pick 5 (3-7) 2/1-2-7/4-5-2/1-2-4-7/8-4 Pick 4 (4-7) 1-27/4-5-2/1-2-4-7/8-4





Comments