top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lahat ng artista, nag-guest na raw, ex-president ng Dos, 'di pa inaalok… CHARO, NANAWAGANG ISALI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2019
2 min read

NAKAKATUWANG kausap ang former president ng ABS-CBN na si Ma’m Charo Santos-Concio.

Nakatsikahan ng press ang ever graceful and one of the most respected actresses sa showbiz na si Ma’m Charo sa katatapos lang na launch ng Sun Life Finan­cial campaign na Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships kung saan isa ang aktres sa mga ambassadors along with Piolo Pascual, Iñigo Pascual, Matteo Guidi­celli and Enchong Dee.

‘Di ba, ‘pag nagsalita si Ma’m Charo, napakama­­lu­ma­nay at parang ‘di maka­basag-pinggan?

Pero ‘wag ka, malakas din pala ang sense of humor niya at game na game siya sa mga tanong ng press.

Dahil ikinuwento ni Ma’m Charo ang love story nila ng mister na si Mr. Cesar Concio sa Kaakbay video ng Sun Life, na-curious tuloy kami kung payag din ba siyang ipalabas sa kanyang longest-running drama anthology show na Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng kanyang buhay.

Napangiti si Ma’m Cha­ro at ang sagot, “Hindi na­man. ‘Wag na!”

Follow-up na tanong, kung sakali, sino ang gusto niyang gumanap bilang siya?

May nag-suggest sa name ni Bea Alonzo, na in fairness, bagay dahil may hawig sila.

Natawa si Ma’m Charo at ang sabi, “‘Wag muna, baka matuloy.”

Tinanong din namin si Ma’m Charo kung nagkaroon na ba ng offer sa kanya na lumabas sa serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano since halos lahat na yata ng artista ay nag-guest na ru’n.

Napangiti uli ang napakaganda pa ring aktres at humarap sa TV cam na waring nananawagan kay Coco, “Cardo, nag-aantay pa rin ako,” kaya nagkatawanan.

Pero may kondisyon si Ma’m Charo bago siya pumayag mag-guest sa serye ni Coco.

“Basta ang cut-off (time) ay… (laughs) hindi two in the morning, ‘di ba? Alam mo na, senior citizen na,” aniya.

Sa tanong kung payag siyang mag-action, “Action? Aba’y kung kaya naman, eh, why not? Palagay mo naman, bibigyan ako ng action scenes ni Coco?” sagot niya.

May mga restrictions o limitations ba siya sa tatang­gaping role?

Sagot niya, “‘Wag na ang bed scenes,” kaya tawanan uli.

And when asked kung gusto rin ba niyang gumawa ng comedy film since mala­kas nga ang sense of humor niya, aniya, “Yes! Gusto kong mag-comedy. Akala nila pang-drama lang ako, eh!”

So, paging, Star Cinema! Parang exciting na mapanood ang isang Charo Santos sa isang comedy movie, ha?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page