top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya itigil mo na raw ang maling relasyong pinasok mo, mamsh! BABAENG PINAPAYUHANG HIWALAYAN ANG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Magdadalawang taon na ang mister ko sa abroad at may dalawa kaming anak na pare­hong nasa elementarya. Ang problema, habang wala siya ay natukso akong makipag-textmate sa la­laking binata hang­gang sa na-in love ako at naging boyfriend ko siya.

  2. Dumating ang pun­to na hindi ko na napigilan ang aking sarili na maki­pagkita sa ka-textmate kong lalaki hanggang sa may nangyari sa amin.

  3. Sa ngayon, ang gus­to ng boyfriend ko ay iwa­nan ko na raw ang aking asawa at magsama na kami. Isama ko raw ang aking mga anak, magpa­kalayu-layo raw kami at mamuhay sa probinsiya nang sa gayun ay hindi na kami masusundan pa ng aking asawa.

  4. Ang problema, ma­lapit ng umuwi ang mister ko sa darating na Set­yem­bre, kaya litung-lito ako kung ano ang dapat kong gawin?

  5. Sino sa dalawang la­laking ito ang nasa gu­hit ng aking mga palad na naka­tak­da kong maka­sama, habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Wala kang dapat gawin ngayon kundi ang iwasan ang ka-textmate mong lalaki kung saan sa kasalukuyan, masasa­bing hindi pa huli ang la­hat upang magbagong-buhay ka at iwa­nan mo na ang iyong boy­friend na ka-textmate mo habang hindi pa natutuklasan ng mister mo ang inyong gina­gawa.

  2. Sa ganyang paraan, matutupad ang kaisa-isang medyo gumulo o nabaluktot, pero naayos at natuwid ding Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung magpapakatino ka at hindi na makikipagkita o makikipag-usap pa sa boy­friend mo, maiiwasan ang napipintong pagkawasak ng inyong pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tandaang, kapag pag-ibig ang pag-uusapan, dapat hindi sinasangkalan ang na­sabing salitang pag-ibig sa kaimoralan. Bagama’t, true love o tunay na pag-ibig ang nadarama ng nangangali­­wang asawa, ang pag-ibig na ito ay mali.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Camile, kung ma­nanatili ka sa pakikipagre­lasyon sa boyfriend mo nga­yon habang ikaw ay may asa­wa, higit na mananaig ang pagkabaluktot at pagi­ging magulo ng iyong Mar­riage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad, subalit, kung susupilin o isasakripisyo mo ang iyong hangal na damdamin, alang-alang sa iyong mga anak at sa minamahal mong pa­milya, mas mananaig ang tuwid at maayos na Mar­riage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad at pag-uwi ng iyong asawa mula sa abroad sa buwan ng Setyembre, may daratnan siyang mali­gaya, buo at panghabam­bu­hay na pa­milya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page