top of page
BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRES

Babala sa mga gustong magpaturok ng pampaputi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2019
  • 1 min read

Okay lang magpaputi pero, ang tanong, safe ba?

Nagbigay-babala ang Food and Drug Admi­nistra­tion (FDA) sa publiko hinggil sa panganib ng pagga­mit ng injectable lightening agents tulad ng gluta­thione.

Ayon sa ahensiya, patok sa publiko ang ino-offer ng health and beauty salons, wellness spa at beauty clinics na mga serbisyong pampaganda at pampaputi tulad ng gluta at Vitamin C na idinaraan sa injection o mas kilala sa tawag na gluta drip.

Gayunman, ayon sa FDA, wala pang clinical trial sa pag­gamit ng injectable glutathione para maging pampaputi ng balat.

Hindi rin FDA approved ang anumang injectable products na pampaputi at ang pinapayagan lamang ay ang paggamit nito sa cisplatin chemotherapy.

Mapanganib umano ang epekto ng injectable glutathione tulad ng sakit sa atay, bato at nervous system, gayundin, ang posibilidad ng pagkakaroon ng Stevens-Johnsons Syndrome.

Sakaling hindi medical practitioner ang magtuturok nito at kung hindi ito gagawin sa non-sterile facility, posible ring magkaroon ng HIV at Hepatitis C at B.

Paalala sa publiko, bago sumubok ng anumang produkto o proseso, hingin ang opinyon ng mga eksperto para sure na safe!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page