‘PINAS, BRONZE VS. DENMARK SA THAILAND SEALECT C’SHIPS


BUMALIKWAS mula sa dalawang sets na pagkakaiwan ang Rebisco-Philippines at winalis ang huling tatlong frames upang maigupo ang Thai-Denmark Saraburi, 22-25, 27-29, 25-18, 25-18, 26-24 para makamit ang bronze medal sa 2019 Thailand Open Sealect Tuna Championships sa Wee Sommay Gymnasium sa Sisakaet kahapon. Naiwan sa simula ng decider, itinabla nina Marck Espejo at Bryan Bagunas ang laban sa 12-all.
Buhat doon ay naging dikdikan na ang laban na na-extend pa hanggang sa maitakas ng mga Pinoy ang panalo sa iskor na 26-24. Nag-umpisang rumatsada ang Nationals sa third frame kasunod ng naging dikit nilang kabiguan sa second set sa pangunguna ni Bagunas.
Pagkalipas ng third frame, nag-takeover naman si Espejo sa fourth set kung saan itinabla at nakapuwersa ang Rebisco-Philippines ng fifth set. (VA)





Comments