Tulak todas sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Jul 9, 2019
- 1 min read
CAMARINES SUR — Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Sto. Niño, Iriga City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rodolfo Zulueta, nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Zulueta, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments