Tulad ni Robin, sunud-sunuran daw sa pulitiko... HIRIT NG NETIZEN: MATTEO, PURO PAPOGI LANG, 'DI
- BULGAR

- Jul 9, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MARAMI ang natutuwa sa pagsali ni Matteo Guidicelli sa Armed Forces of the Philippines bilang Army reservist. Natapos na rin ng aktor ang 30-day extensive training para sa mga aspiring Scout Rangers ng Philippine Army.
Pinuri ng mga netizens ang aktor dahil kahit ‘di purong Pinoy ay buung-buo pa rin ang pagmamahal niya para sa Pilipinas.
Pero, hindi naman lahat ay saludo sa ginawa si Matteo at sinabihan pa siyang “puro papogi lang.”
Ang siste, nag-post si Matteo ng litrato niya kasama si Robin Padilla na makikitang sumaludo sila sa watawat ng Pilipinas at nilagyan niya ng caption na: “Salute to the flag, salute to our beautiful country! We challenge YOU, especially our colleagues in the showbiz industry. Instead of talking smack about different issues, why not unite so we may progress to make a better tomorrow. What do you think?”
May isang netizen na may account name na @angelslove.meimei ang nag-comment ng, “Puro papogi! Isang buwan lang na training para sumabak sa giyera na kailangan nang tingalain at purihin. Publicity purpose at its best! Sagrado ang pagsuot ng unipormeng ‘yan, para protektahan ang bansa, hindi ang maging sunud-sunuran sa sinumang pulitiko.”
Sinagot naman ito agad ng aktor at sinabing, “Ma’m, before you speech (read: speak), check your facts. Thanks.”





Comments