Negosyante tepok sa riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Jul 9, 2019
- 1 min read
CAGAYAN — Isang negosyante ang namatay at sugatan naman ang kasama nitong babae nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Maddarulug, Solana sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Arnel Agustin, samantalang, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng kasama nitong babae na ginagamot na ngayon sa ospital.
Ayon sa ulat, lulan ng pick-up ang dalawang biktima nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa dalawang biktima.





Comments