Ibinuking ni Vice… RYAN, NANLIGAW KAY YENG, BASTED!
- BULGAR

- Jul 9, 2019
- 1 min read

HINDI sinasadyang malaman ng madlang pipol sa live episode ng It’s Showtime last Saturday (July 6) na nanligaw pala si Ryan Bang sa Tawag ng Tanghalan hurado at singer na si Yeng Constantino matapos siyang ibuking ni Vice Ganda.
May isang contestant kasi sa TNT ang nagsabing may sarili siyang komposisyon titled Friendzoned at ani Vice, akma ito sa dating sitwasyon nina Ryan at Yeng.
Biglang sumingit si Vice, “Ryan, listen! Si Yeng Constantino, pumapalakpak! Kung hindi n’yo naaalala, si Yeng ay isa sa mga nag-friendzone kay Ryan Bang!”
Naikuwento naman ng “gongbassador” (Ryan) at TnT judge (Yeng) na dati silang lumabas upang sabay na dumalo sa isang church service.
Una at huling attend daw ni Ryan sa nasabing fellowship at sabi pa ni Vice, may gustong baguhin si Yeng sa kanya kaya’t sa pananampalataya muna niya ito unang niyaya.
Ibinunyag muli ni Vice na nangyari ang panliligaw nang limang buwan bago maging official na ang relasyon ni Yeng at ng kanyang first-ever boyfriend at ngayo’y asawa nang si Victor “Yan” Asuncion. Ikinasal sila noong Pebrero, 2015.
Bagama’t ‘di sinasadya at lumalabas na awkward para sa dalawa ang naging panunukso ng It’s Showtime hosts, nagbigay naman si Yeng ng sweet message para sa ex-suitor.
“Alam mo, hindi pa ‘yan ang huli. Pakiramdam ko, darating din ‘yung babae na sobrang maa-adore ka, at sobrang irerespeto ka, at mamahalin ka rin, kaya cheer up!” makahulugan niyang mensahe.





Comments