Electrician tiklo sa shabu
- Pabs Hernandez III
- Jul 9, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA — Isang electrician ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Mapalad, Santa Rosa sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Edzon Carpio, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Carpio nang dakpin siya ng mga awtoridad at ngayon ay nahaharap ito sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments