top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

'Di matanggap na natsugi ang anak sa eviction night… MADIR NG PBB OTSO HOUSEMATE, NAG-IIYAK AT I

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
2 min read

LUBHANG naging kontrobersiyal at nag-viral ang interview ni Melai Cantiveros sa nanay ng Pinoy Big Brother: Otso evictee na si Diana Mackey sa katatapos lamang na eviction night.

Makikita kasi sa nasabing panayam na talagang masama ang loob at naging emos­­yonal si Mommy Rowena Cariaga sa pagkakatanggal ng anak at itinulak pa niya si Melai.

Kinuyog ng mga bashers ang nanay ni Diana calling her rude and bastos habang si Melai naman ay pinuri-puri ng mga netizens for handling the interview so well.

Kahapon ay nagbigay ng kanyang saloobin si Melai hinggil sa controversy at nakiusap na huwag na raw husgahan ang nanay ni Diana. Aniya ay naiintindihan niya ang pinagdaraanan nito bilang ina.

“Maraming salamat sa lahat ng concern n’yo sa akin :) at nakaka-touch na mga men­sahe. Pero ako na nagsasabi na ‘di naman ako nasaktan at naintindihan ko ang pinag­dadaanan ng Mama ni Diana, kaya ‘wag na kayo mabahala kasi kahit ako din, alam ko na ‘di para sa akin ang emosyon ni Mami (Mommy) kundi sa sitwasyon, at mixed emotion na si Mami, natawa siya, nalungkot, na-frustrate, na normal na mararamdaman ng nanay ‘pag hirapan o nasasaktan ang anak :) kasi mga parehas naman kaming Momshie :) At PS, after ng interview, nag-hug pa kami ni Mami kasi kinomfort ko siya na dito talaga sa outside world ang totoong laban :) ‘Wag na natin i-judge si Mami at magmahalan na lang tayo,” ang caption ni Melai.

Ipinost din ng TV host-comedienne ang screenshot ng post ni Mommy Rowena kung saan ay humihingi ito ng tawad sa kanya.

“Good day po, salamat po sa lahat ng sumuporta sa anak ko na si Diana Mackey. At kay Ms. Melai gusto kong mag-apologize ‘di ko naman intention na matabig siya dahil para sa akin, biro lang at ‘di ko sinasadya ‘yun. Naging emotional lang ako pero ‘di ako nagagalit. Kung hindi man naging maganda ang dating sa iba, paumanhin po lalo na kay Ms. Melai. Salamat po,” ang post ng nanay ni Diana.

Matatandaang na-evict si Diana last Saturday sa PBB Otso at hindi nakasama sa Big 4. In fairness, understandable naman ang sama ng loob ng nanay niya dahil isang hakbang na nga lang naman para sa katuparan ng panga­rap, naunsiyami pa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page