top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para bumagay lang kay Kathryn… KALAT NA: ALDEN, NAGPARETOKE NG MUKHA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

PARANG hamburger kung i-describe ngayon si Alden Richards ng kanyang mga followers mula nang puma­yat dahil “double yummy” daw ang aktor.

Bukod sa mas lumabas ang kaguwapuhan, luma­bas din ang jawline niya na ma­tagal nagtago dahil tumaba nga si Alden.

Ngayon, puro “Ang gu­wapo mo,” ang mababasang comment sa socmed na sinusundan ng “Ang payat mo.”

May nag-akala namang nagpagalaw ng mukha si Alden kaya pumayat. Hindi yata nila nabasa na nagdusa si Alden sa diet para pumayat at bumagay sa role niya sa Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Pangako ni Alden, ime-maintain niya ang katawan niya ngayon. Hindi na uli siya magpapataba hindi lang dahil mas magaan siyang kumilos at mas bumata, kundi dahil kailangang payat siya for his next teleserye sa GMA-7.

Samantala, dumalaw na si Alden sa ABS-CBN nang bumisita sa Star Cinema office at mag-shoot sila ni Kath­­ryn ng plug para sa promo ng Hello, Love, Goodbye.

Bukas, tatapak si Alden sa Dolphy Theater ng ABS-CBN dahil dito gaganapin ang mediacon ng movie. Pareho sila ni Lovely Abella na first time maka­kapunta sa Dolphy Theater.

Babalik sa ABS-CBN si Alden ‘pag nag-guest sa Umagang Kay Ganda at Magandang Buhay. So far, sa two shows ng ABS-CBN siya siguradong magge-guest, pero hindi kumpirmado ang balitang magge-guest naman sa Sunday PinaSaya si Kathryn.

May international screening sa Guam ang Hello, Love, Goodbye sa direction ni Cathy Garcia-Molina. May inilabas na international posters ng movie ang Star Cinema na ang title ay ibinatay sa salita ng bansang paglalabasan. Kaya, may title in Chinese, Spanish, Japanese at iba pang language.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page