top of page
Pokwang.jpg

Alamin mula kay Señor... MGA PANINIWALA KUNG PAANO MAGKAKAROON NG ANAK NA LALAKI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Ro­salie ng Rosalie_Ba­guio Gurl@facebook.com

Dear Señor,

Paano magkaroon ng anak na lalaki? Tatlo na ang anak namin, pero la­hat babae.

Gusto ng husband ko ng baby boy na ipapanga­lan sa kanya para ‘yun na raw ang kanyang junior.

Hihintayin ko ang sagot ninyo.

Naghihintay,

Rosalie

Sa iyo Rosalie,

May ilang paniniwala para malaman kung ano ang magiging anak.

Subukan mo ang mga su­musunod na maaaring ma­katulong sa inyo:

1. Kung ano ang kinain, ‘yun ang bunga. Kaya inire­rekomenda na kumain ka ng mahahabang pagkain tulad ng saging, talong, ampalaya at iba pang mahaba ang hu­gis. Iwasan mo ang mansa­nas, peras, orange o ang mga prutas na bilog.

2. Puwede ka ring kuma­in ng bilog, pero dapat ay phallic sysmbol. Ang phallic symbol ay mga bagay na ang inilalarawan ay ang ari ng lalaki o maselang bahagi ng lalaki tulad ng bayabas, avo­cado, singkamas, sayote at iba pa.

3. Sinasabing, magiging lalaki ang anak kapag ang ina ay mahilig sa mga laruang panlalaki tulad ng baril, bola ng basketball, mga piyesa ng chess at mga gamit sa billiard.

4. Ipinapayo rin na ang nanay ay magsuot ng mga panlalaking damit tulad ng pantalon, brief, short, long sleeves at iba pa.

5. Hinihikayat din ang nanay na manood ng mga movie na gustung-gusto ng mga lalaking panoorin tulad ng aksiyon, barilan, away, suntukan at marami pang iba.

6. Inirerekomenda rin na ang haircut ng nanay ay pan­lalaki, kumbaga, maiksi o mis­mong gupit-panlalaki.

7. Ang pagsusuot ng mga panlalaking gamit tu­lad ng belt, wristwatch na ma­laki ang bracelet, shoes na para sa lalaki at iba pa ay ipinapayo rin.

8. Maganda rin na ma­kipagkaibigan o makipag­barkada sa mga lalaki.

9. Umawit ng mga mu­sika na ang umawit ay mga lalaki.

10. Maganda rin na ma­hilig sa pagtugtog ng gitara at iba pang mga musical ins­trument na mahahaba.

11. Huwag kalilimutan na sa tuwing kakain ay gu­mamit ng tinidor.

12. Mahirap paniwala­an, pero gawin mo rin ang pagkain ng mga maseselang bahagi ng mga lalaking ba­boy, baka, kambing at iba pa.

Walang mawawala sa iyo kung susundin mo ang mga nasa itaas para magkaroon kayo ng baby boy.

Sa susunod na isyu, ang pag-uusapan naman natin ay ang siyentipikong paraan kung paano magkakaroon ng baby boy.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page