Nanlabang pusher todas
Pabs Hernandez III
Jul 7, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Canlalay, Binan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Angelito Villafania, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Villafania, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta kaya napatay ang suspek.





Comments