Minero dedbol sa riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Jul 7, 2019
- 1 min read
MASBATE—Isang minero ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Panique, Aroroy sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Jonathan Deonan, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na naglalakad umanong pauwi si Deonan nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Deonan.





Comments