Kelot timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Jul 7, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang 19-anyos na binata ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Pardo sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Harold Vanzuela, residente ng Bgy. Labangon sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 215 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Vanzuela na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments