Megastar, out bilang judge… SHOW NINA LEA, BAMBOO AT SARAH, BINANTAANG IBOBOYKOT NG FANS NI SHARON
- BULGAR

- Jul 6, 2019
- 1 min read

NAGBABALIK bilang mga hurado sa bagong season ng The Voice Kids sina Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga. Last time we heard ay ‘di na kasama si Lea sa bagong TVK dahil magko-concentrate na raw ang international singer sa bago niyang negosyo, plus ibang projects for her sa theater.
Pero kinausap daw ng management si Lea at inayos ang schedule niya para ma-accommodate ang pagiging judge/mentor niya sa The Voice Kids. Nagawan naman daw ng paraan kaya mapapanood pa rin si Lea sa talent show ng ABS-CBN.
Umalma naman ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta kung bakit ‘di kasama ang idolo nila na uupong judge/mentor kasama nina Lea, Sarah at Bamboo sa TVK.
According to them, malaking factor si Sharon kung bakit mataas ang ratings ng TVK. Sa pagkawala ni Mega sa show, ‘di na raw sila manonood ng TVK na maaaring makaapekto sa rating ng Kapamilya show.
From a source, may concert tour daw kasi na gagawin si Mega sa iba’t ibang bansa. Maaaring ito raw ang dahilan kaya nawala si Mega sa TVK.
Malay naman natin, sa susunod na edisyon ng The Voice ay bumalik na si Sharon.





Comments