Lalaking napakasuwerte sa pamilya ng GF
- ROMA AMOR
- Jul 6, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Franco, 24 years old. May GF ako ngayon at isang taon na ang relasyon namin, pero dahil sa pamilya niya, pakiramdam ko ay sobrang tagal na namin. Sa totoo lang, mas nararamdaman ko ‘yung pagmamahal ng pamilya niya sa akin kaysa sa totoong pamilya ko. Sa tingin ninyo dapat na ba akong mag-propose sa pinakamamahal kong GF? — Franco
Franco,
Alam mo, bro, nakatutuwa dahil gusto ka ng pamilya ng babaeng mahal mo. Kung gusto mo ng makasama ang GF mo, tama ang desisyon mong mag-propose ka na sa kanya, pero, make sure, may ipon kayong dalawa dahil mahirap ang buhay na may sarili ng pamilya. Walang masama sa pagpapakasal nang maaga, pero isipin din ninyo ang inyong magiging kinabukasan. Masaya kami para sa inyo. God bless!





Comments