top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Klik ang love team kay Andrea… SETH, AYAW NANG PAKAWALAN NG DOS, PINAPIRMA NG KONTRATA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2019
  • 2 min read

SA July 3 episode ng Magandang Buhay, labis-labis ang pasasalamat ng ex-PBB Otso teen housemate na si Seth Fedelin sa tuluy-tuloy na biyayang kanyang nakakamit pagkatapos niyang ma-evict sa Bahay ni Kuya.

Sa panayam sa kanya ng tatlong momshie hosts ng MB, sabi ni Seth, “Sobrang happy kasi parang hindi ko ini-expect ‘yung ganu’n. ‘Yung makapasok nga lang sa Bahay ni Kuya, hindi ko ini-expect po, tapos ipinagkaloob pa sa akin ‘yung ganu’ng blessing.”

Isa ring pagkakataon sa teen house­mate na papirmahin ng ABS-CBN contract at maging certified na ring Kapa­mil­ya.

Kuwento ni Seth, ginawa niyang sorpresa para sa mga magulang ang pagpirma ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong nakaraang buwan. Pag-amin din niya, naging emosyonal siya nang malaman kung gaano naging proud sa kanya ang mga magu­lang.

‘Yung maramdaman mo lahat ng isinakripisyo nila (magulang) sa iyo, ‘yung parang la­hat ng pinagdaanan namin, bumalik sa akin... Tapos, ‘yun ‘yung parang... ‘Kaya ‘andito ako ngayon, kau­sap kayo.’ ‘Yun ang nag­mo-motivate sa akin kung bakit ko ginagawa ‘yung ganitong trabaho po,” emosyonal pang sabi ni Seth.

Si Seth ay kasama sa pinag-uusa­pang teleserye na Kadenang Ginto na napapanood tuwing hapon (Monday to Friday) pagkatapos ng It’s Showtime. Siya rin ang bumuo ng bagong barkada team na Gold Squad, kasama sina Francine Diaz, Kyle Echarri, at ang kanyang bagong ka-love team na si Andrea Bril­lantes.

Samantala, sa parehong interview din sa morning talk show ay ikinuwento ni Seth na plano niya noon na maging seaman balang-araw kung hindi man siya natuloy sa pag-aartista. Sa ngayo’y plano pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral na naudlot dahil sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page