top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit co-host na ni Willie… HIPON GIRL, UMAMING SA ISKUWATER PA RIN NAKATIRA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

MAGMULA nang pumasok si Herlene “Hipon Girl’ Budol sa show ni Willie Revillame ay ami­nado siyang gumanda ang buhay ng kanilang pamilya.

Si Herlene ay naging contestant sa segment ng Wowowin na Wil of Fortune. Na­gustuhan siya ni Kuya Wil dahil naki­tang may talent ang dalaga.

Nakuha agad ni Herlene ang kiliti ng studio audience dahil sa mga totoong sagot habang tinatanong ni Kuya Wil at may charm siya. Hindi siya nahihiyang sabihin na naka­tira sila ng pamilya niya sa squatter’s area.

Pinanindigan na ni Herlene ang tag name niyang “Hipon Girl” at aliw naman ang mga manonood.

Nakakailang buwan na rin naman si Hipon Girl sa Wowowin at lagi siyang viral sa soc­med. Maging si Kuya Wil ay nagugulat dahil ang lakas ng hatak niya sa online world.

Kamakailan ay kinumusta ni Kuya Wil sa dalaga ang buhay nila ngayon.

Ani Herlene, “Ayun, sa squammy pa rin kami nakatira.”

Paliwanag niya, kaya squammy para sosyal ang dating, “Pero squatter pa rin ‘yun.”

Pinasalamatan ni Hipon si Kuya Wil dahil kung hindi raw siya kinuha ng TV host, hindi pa rin daw makakatikim ng kaginhawahan ang kanyang pamilya.

Ani Herlene, “Kung dati, isang kilong bigas lang ang binibili namin, ngayon, Kuya Wil, isang kaban na.”

At mas nakakatulong na ako ngayon sa kanila,” dugtong pa ni Hipon.

Ayon pa kay Hipon, level-up na rin ang beauty niya. Dati daw ay etsapu­wera ang kanyang kagandahan, pero nga­yon ay napapansin na.

“Etong mukhang ‘to ang uso ngayon,” aniya sabay muwestra ng kanyang face.

Paano hindi magugustuhan ni Kuya Wil si Hipon Girl, eh, napapatawa siya nito sa lakas ng sense of humor ng dalaga.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page