Submarine nasunog, 14 seamen todas
NASUNOG ang deepwater research submersible sa hilagang bahagi ng Russia na ikinasawi ng 14 seamen.
Kabilang sa nasawi ang 7 Captain First Ranks na itinuturing na pinakamataas na opisyal ng Russian Navy kung saan dalawa sa mga ito ay ginawaran ng parangal bilang Hero of Russia.
Agad ipinag-utos ni President Vladimir Putin ang masusing imbestigasyon sa pangyayari.
Napag-alaman na ang naturang sea vessel ay nagsasagawa ng bathymetric measurements sa ilalim ng karagatan nang maganap ang trahedya.
Ang deep sea submerible ay dinala na sa military base sa Severomorsk sa Kola Peninsula para sa kaukulang imbestigasyon.





Comments