top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PASIKLAB NG PHL JUNIOR MEMORY CHAMPS, HAHATAW SA NEXT TOURNEY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
2 min read

PAIIGTINGIN pa ng mga pambato ng bansa ang pagpapalakas ng kanilang memorya sa nalalapit na 6th Philippine International Open Memory Championship sa Hulyo 13 at 14 na idaraos sa Hotel Dreamworld North EDSA, Quezon City matapos magpasiklab ang mga ito sa idinaos na TOPS Forum kahapon sa NPC, Intramuros Manila.

Nagpakitang-gilas si Chloe Andrea Galamgam, Grade 6 student ng Miriam College, isa sa memory team na Philippine Kids Memory champion sa pagbigkas ng may halos 20 mga salita, back and forth maging ang pagsambit din ng mga numerong eksakto sa pagkakasunod.

Ayon kay Anne Bernadette Bonita, pangulo ng Philippine Mind Sports Association Inc. at head coach ng Philippine Memory team, sa Tabloids Organization in Philippine Sports Forum (TOPS) hinahasa ang mga atleta ng ilang buwan bago ang pagsabak sa mga world championships tulad nina GM of Memory Enzo Gabriel Castillon at Jan Jelo Juanir, ang Top Junior Memory athlete sa ngayon.

“Isinasailalim po namin ang mga batang mula 3-taong gulang pataas na kung saan interesado ang mga magulang na ma-enhance ang kanilang mga isipan sa aming summer workshops. Mayroon na rin kami sa Antipolo,” ayon kay coach Bonita sa forum na napanood ng live sa facebook via Glitter. Ipinagmalaki rin ng Memory team ang pagkampeon ni Jamyla Lambunao nang lumahok ito sa Junior 13-years old World Championship contest noong 2014 nang magawa nitong maalalang bigkasin muli ang 151 words na eksakto sa pagkakasunod sa loob lamang ng 15 minuto at 285 numbers sa 15 minuto rin kabilang na ang iba pang ekstraordinaryong skills na ginagamitan ng matalas na alaala.

“Start them young, this is the best opportunity to enhance the memory of our youngsters. Sila namang mga bata, eh, walang anumang vitamins o memory enhancers na iniinom, basta’t isinasailalim namin sila sa masusing training at workshops, humuhusay na sila,” dagdag ni coach Bonita sa forum na inagapayan ng Philippine Sports Commission at PAGCOR. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page