top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Melai, to the rescue sa bida ng Kadenang Ginto… FRANCINE, MUNTIK NANG MAPALAYAS SA BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2019
  • 2 min read

IBINAHAGI ni Karla Estrada ang excitement at kasiyahan niya nu’ng makita ang kanyang billboard for a clothing brand sa EDSA sa morning show na Magandang Buhay sa ABS-CBN last Tuesday.

This may not be her first time na magka-billboard sa EDSA pero special ito kay Karla. Bukod kasi sa solo lang siya sa billboard, nagmukha siyang payat sa black dress with white ruffles sa dulo ng manggas na suot niya.

Karamihan sa mga billboards ni Karla na nasa EDSA ay kasama niya ang kanyang anak na si Daniel Padilla.

Tuwang-tuwa siyempre pa ang mga kasamang hosts ni Karla sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa bagong achievement ng mom ni DJ.

Feeling siguro ni Karla ay made na made na talaga siya bilang celebrity endorser at ‘di lang dahil sa nanay siya ni Daniel. At mukhang aabutan na niya si Daniel as one of the highest-paid celebrity endorsers sa bansa, ha?!

Incidentally, special guests sa Tuesday episode ng Ma­gandang Buhay ang Gold Squad ng Kadenang Ginto na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedalin at Francine Diaz.

Puna ng ilang nakapanood ng naturang episode, nakatutok daw nang husto ang tingin ni Karla kay Seth habang ini­interbyu ang ex-Pinoy Big Brother housemate kasama si Andrea. Baka raw sinisipat nang husto ni Karla kung true ba na malaki ang pagkakahawig ni Seth kay Daniel.

Nate-threaten kaya si Karla na baka kabugin ni Seth ang kanyang very famous and rich son?

We don’t think so. Mukha namang secured na secured na si Karla sa estado ng career sa showbiz ng kanyang anak, pati na sa financial status ni Daniel.

Sa true lang, naaliw kami sa tambalan nina Andrea at Seth habang nakasalang sa Magandang Buhay. Ngayon lang kami ulit kinilig sa isang love team, huh?

Ang SethRea na ba ang susunod sa trono ng KathNiel?

“Well, well, well…” sabi nga ni Melai.

And speaking of Melai, sobrang nakaka-touched ang ginawa niyang pagtulong sa Kadenang Ginto star na si Francine. Grabe pala ang pinagdaanang hirap ng batang ‘to. Kaya feeling happy tuloy kami sa success na meron siya now.

Ibinulgar ni Francine ang pinansiyal na tulong na ginawa sa pamilya niya ni Melai. Si Melai ang nagpahiram ng pera sa parents niya para mabayaran ang pagkakautang nila sa renta sa tinitirhan nila para ‘di sila palayasin ng may-ari ng bahay.

Tatahi-tahimik lang si Melai at ‘di siya ‘yung tipo na ipagmamalaki pa ang mga natulungan niya. Sabi nga, ‘di ba, kapag tumulong daw tayo, ‘wag na nating ipaalam sa kaliwang kamay natin ang ginagawa ng ating isa pang kamay.

And for that, we salute you, Melai. May your tribe increase!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page