Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAGING MASAYA SA KASALUKUYANG MANLILIGAW
- BULGAR

- Jul 5, 2019
- 1 min read
Dear Maestro,
May kaibigan akong tomboy at nagulat ako dahil gusto niya akong ligawan. Noong una, akala ko ay babae siya dahil mas maganda pa siya sa akin. Pero, inamin niya sa akin na tomboy siya.
Alam ninyo, Maestro, kung anu-anong regalo at panunuyo ang ginagawa niya sa akin at ang sweet-sweet niya kaya nahuhulog na nang husto ang kalooban ko sa kanya.
Nais kong malaman kung compatible ba kami at kung sasagutin ko siya, magiging masaya at pangmatagalan kaya ang papasukin naming relasyon?
Sa totoo lang, nakahihiya mang aminin, pero sa tingin ko ay nai-in love na ako sa kanya. October 30, 1994 ang birthday ng kaibigan ko at October 18, 1994 naman ako.
Umaasa,
Ms. Umali ng Bulac, Santa Maria, Bulacan
Dear Ms. Umali,
Ayon sa birth date mong 18 o 9, (ang 18 ay 1+8=9) sa destiny number na 6 (10+18+1994=2022/ 20+22=42/ 4+2=6) sa zodiac sign na Libra, sadyang ka-compatible mo ang iyong kaibigang tomboy dahil ang birth date niyang 30 o 3 (3+0=3) sa destiny number na 9 (10+30+1994=2034/ 20+34=54/ 5+4=9) sa zodiac sign na Scorpio ay sadya ngang suwetung-suweto para sa iyo.
Kung saan, Ms. Umali, ayon sa inyong mga datos, malaki ang posibilidad na kayo na ang magkakatuluyan ng kaibigan at manliligaw mong tomboy sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Ibig sabihin, kung ang iba ay nakatagpo ng maligayang pagsasama sa ka-opposite sex, sa kaso ninyo, sadyang kakaiba at pambihira kung saan kahit na “same sex” ang inyong relasyon, nakatakda na ang magaganap — may maligaya at matagumpay na pagmamahalang itatala sa inyong karanasan na mangyayari sa buwan ng Setyembre o kaya ay Oktubre ngayong taon.




Comments