Bigtime pusher timbog
Pabs Hernandez III
Jul 5, 2019
1 min read
CEBU—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Pulpugan, Consolacion sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rodelio Bontuyan, nakatira sa Bgy. Dita, Cebu City.
Ayon sa ulat, 195 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1.4 milyon ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ni Bontuyan.
Nabatid na hindi naman nanlaban si Bontuyan nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments