BEERMEN, NAGBAGO NG IMPORT, MCCULLOUGH PALIT KAY RHODES
- BULGAR

- Jul 5, 2019
- 1 min read

PINALITAN ang import ng San Miguel Beermen dahil na rin sa mahinang pagsisimula sa PBA Commissioner’s Cup campaign.
Ipapalit ni SMB Team manager Gee Abanilla kay Charles Rhodes si dating NBA player Chris McCullough. First-round pick ng Brooklyn Nets si McCullough noong 2015 NBA rookie draft kahit nagpapagaling pa ito ng kanyang ACL injury na naranasan niya sa kanyang unang taon sa kolehiyo.
Lumipat siya sa Washington Wizards mula sa paglalaro ng dalawang season sa Nets. Ang 24-anyos na lumaki sa New York ay naglaro sa G-League, Chinese Basketball Association at Puerto Rican pro league. Dalawa pa lang ang panalo ng Beermen at limang talo sa ngayon mula sa 5th straight ng Philippine Cup Championship. (ATD)





Comments