top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

RACE Ops isinagawa ng SSS sa ikalawang bugso

Thea Janica Teh
Jul 4, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Patuloy lamang ang laban ng Social Security System (SSS) sa mga delingkuwenteng employer sa kanilang ikalawang Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign na ginanap sa Binondo sa Maynila, Cabanatuan City sa Nueva Ecija, Dumaguete City sa Negros Oriental at Iligan City noong June 27.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, 53 establishments ang binisita ng RACE Team at nilagyan ng Show Cause Order para ipaalala sa kanila ang mga obligasyon nila sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Dahil sa pagsuway sa Social Security Law ng nasabing mga establishment, halos 125 manggagawa ang nangamba na hindi nila mapakinabangan ang kanilang benepisyo. Mula sa 53 delingkuwenteng establisimyento, 14 dito ay mula sa Binondo sa Lungsod ng Maynila, 13 mula sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija, 11 mula sa Lungsod ng Dumaguete sa Negros Oriental at 15 naman mula sa Lungsod ng Iligan. Inaasahan na P4.12 milyong halaga ng hindi nabayarang kontribusyon ang makokolekta ng mga sangay ng SSS na nakasasakop sa mga lugar na nabanggit.

“Inaasahan naming dahil sa pagsasagawa ng magkakasabay na RACE campaign sa buong bansa, mas lalong napataas ang kamalayan ng mga employer sa pagtalima sa Social Security Law,” sabi ni Ignacio.

Ipinababatid ng SSS sa mga employer na mag-apply na sa nasabing programa at bayaran ang anumang obligasyon ng walang multa. Ang programang ito ay hanggang September 1, 2019 lamang.

Ito na ang ikalawang beses na isinagawa ng ahensiya ang magka­kasabay na RACE campaign sa buong bansa. Ang unang bugso ng RACE campaign ay isinagawa sa Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng San Fernando sa Pampanga, Lungsod ng Mandaue sa Cebu at Lungsod ng Dipolog sa Zamboanga del Norte noong Hunyo 14.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page