Pustahan pa raw… HIRIT NG NETIZENS: KASALANG ANGEL-NEIL, 'DI MATUTULOY!


KUNG maraming kaibigan at kapwa artista ni Angel Locsin ang natutuwa na engaged na siya sa movie producer/businessman na si Neil Arce, may ilang netizens naman ang tila nagdududa kung may kasalan ngang magaganap at kung ready na nga ba si Angel na magpakasal?
‘Di ba’t noong sila pa ni Luis Manzano ay halos kasal na lang ang kulang at madalas ay kasa-kasama na siya sa bakasyon abroad ng pamilya ni Luis? Super close na rin siya kina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano at iba pang partidos ni Luis.
Pero, bigla-bigla, eh, nabalitang break na nga sina Angel at Luis after their vacation abroad.
Samantala, si Neil Arce na naging karelasyon din noon ng ilang aktres tulad nina Maxene Magalona at Bela Padilla ay na-in love rin kay Angel at mukhang seryoso nga ito sa bida ng The General’s Daughter.
Noong sila pa kasi ni Bela ay hindi ganu’n kabongga ang mga kaganapan sa relasyon nila kahit ilang taon din silang tumagal.
Pero, may mga nagpupustahan pang grupo na wala raw silang naba-vibes na kasalang magaganap kina Angel at Neil. Marami ang nagdududa kung handa na si Angel na mag-settle down at maging Mrs. Arce.





Comments