POSTPONED PA ANG NATIONAL OPEN CYCLING CHAMPIONSHIPS

DAHIL sa nakatakdang Philippine Olympic Committee (POC) election para pumili ng kapalit ni resigned president Ricky Vargas, pansamantalang ipinagpaliban ang National Open Cycling Championship para piliin ang mga cyclist na maglalaro sa Southeast Asian Games.
“Because of POC election, the event has been moved from June 26 to July 26,” sabi ni coach Edz Hualda at aniya, gagawin sa Tagaytay City ang event kung saan mahigit 100 cyclists ang magtatagisan para pagpilian na sasabak sa SEA Games.
Ang ruta ay kapareho sa dinaanan ng mga rider sa katatapos lang na 2019 Le Tour de Filipinas na napanalunan ni Jeroen Meijers ng Netherlands. “Tiyak na magpapakamatay ang mga kalahok para makasama sa national team na kakatawan sa bansa sa SEA Games,” wika ni Hualda.
Magtatagisan ang mga kalahok sa 130 kilometers road massed start na daraan sa mga bayan ng Cavite at Batangas. Mag-uumpisa ang karera sa Cavite Convention Center at magtatapos sa Palace in the Sky sa Tagaytay City.





Comments