top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Namimitas ng bayabas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Kikay ng Kikay_Lopez@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako na namimitas ako ng bayabas na kulay dilaw at makinis, tapos, naabot ko ‘yun kahit mataas. Pero, ‘yung lalaki sa kaliwa ko, hindi niya nakuha ‘yung mataas na bayabas. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Kikay

Sa iyo Kikay, Narinig mo na ba, iha, ang tinatawag na “passage of life?” Ito ang panahon kung kailan papasok sa bagong kabanata ng kanyang buhay ang indibidwal.

Sa babae, mula sa pagiging musmos na bata, siya ay magiging dalagita at mula sa pagiging dalagita, siya ay maging ganap na dalaga. Dahil ganap ng dalaga, ibig sabihin, siya ay matured na.

Ayon sa panaginip, ikonsidera mo na ang malalimang pakikipagrelasyon kung saan makalalaya ka na sa mga patakaran na sinusunod ng mga bata pa ang kaisipan. Kaya, masasabi ring “for adult” na ang iyong buhay.

Sa puntong ito, gustong ipaalam sa iyo na ang bayabas ay phallic symbol na madaling mauunawaan ng mga matured na. Para malinaw sa iyo, ang iyong panaginip ay napabibilang sa sexual dreams.

May isa ka pang dapat malaman, ang pakikipagtalik ay hindi basta-basta pinag-uusapan ng mga bagong dalaga kaya ang tungkol dito ay makikitang ikinukubli sa pamamagitan ng mga simbolo tulad sa panaginip mo.

Pero, kapag ang tao ay lantad na sa aktuwal na sex life, ang kanyang mga panaginip ay hindi na nakakubli sa mga simbolo. Dahil dito, makikitang ngayon ay handa ka ng makipagrelasyon nang seryosohan at ito ay para lang sa mga taong pumasok na sa antas ng buhay na kung tawagin ay maturity.

Huwag kang matakot, iha, sa halip, dapat kang matuwa dahil ikaw ngayon ay hindi na inosenteng bata.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page