Kaya raw mahal na mahal ang beauty queen GF, Jodi… SIGAW NI JOLO: ANGELICA, TANGGAP AKO NANG WALANG

Nitz Miralles / BIDA

ANG sweet ng message ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa fiancée niyang si Angelica Alita na kasama niya sa kanyang oath-taking. Habang hawak ang kamay at ang ganda ng ngiti nilang dalawa, sabi ni Jolo, “Thank you Angel for always being here by my side. I love you.”
Sa isa pa nilang litrato na magkasama, ang caption ni Jolo: “Ang ganda naman ng katabi ko...” na sinagot ni Angelica ng, “Bebi, ikaw talaga! Kailangan ko lang sumabay sa kaguwapuhan mo.”
Sa post naman ni Angelica, sabi nito, “Loving you, supporting you, believing in you always...” at si Jolo naman ang sumagot ng, “Thanks for loving me unconditionally! Basta lagi mong tatandaan na andito lang ako para sa ‘yo! Mahal na mahal kita!”
Ininggit pa ni Jolo ang kapatid niyang si Bryan Revilla na nag-comment ng ang cheesy ng caption ng younger brother. Sabi ni Jolo kay Bryan, “Hanap ka na din kasi!”
Marami ang nag-comment na parehong blooming sina Jolo at Angelica at they have the look of a couple very much in love. Sa December na raw ang kasal ng dalawa sa Amerika.





Comments