Kahit matagal nang hiwalay… WILLIAM, TODO-ASA PA RIN SA BALIKAN NILA NI YAYO
- BULGAR

- Jul 4, 2019
- 1 min read

NAKAUSAP namin ang orig Bagets member na si William “Kulit” Martinez. Maayos na raw ang health niya at handa nang magbalik sa showbiz.
Kundi ninyo alam, nagkaroon ng heart failure ang actor more than two years ago. That time ay kahihiwalay pa lang nila ng asawang si Yayo Aguila pero matiyaga siyang inalagaan nito.
Hiwalay pa rin ang uncouple although idinadalangin ng aktor na loobin ng Diyos na mag-reconcile sila one of these days. Yam also prays na makabalik sa harap ng kamera, magkaroon ng pelikula o regular role sa isang teleserye.
Dating Regal Baby si Kulit kaya we are calling the attention of Mother Lily Monteverde and her daughter Roselle Monteverde-Teo. Please help Yam!
Tinatawagan din namin ng pansin sina Madam Lilibeth Rasonable ng GMA-7 at Madam Cory Vidanes ng ABS-CBN 2, baka puwede nilang bigyan ng proyekto si William.





Comments