top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PAMBATO NG ‘PINAS SA MEN’S ASIA OCEANIA FLOORBALL CUP, HANDA NA

  • A. Servinio
  • Jul 3, 2019
  • 1 min read

HANDA na ang lahat para sa 2019 Men’s Asia-Oceania Floorball Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan City ngayong Hulyo 7 hanggang 12. Ito ay magsisilbing bahagi ng paghahanda ng Pilipinas para sa 2019 Southeast Asian Games at tatampukan ng walong koponan.

Ang Pilipinas ay nasa Grupo B kasama ang Japan, India at Singapore habang nasa Grupo B ang Malaysia, Timog Korea, Pakistan at defending champion Thailand.

“Mabilis matuto ang mga Filipino,” wika ni Ralph Ramos, presidente ng Philippine Floorball Clubs Association sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila. “Marami kaming bagong manlalaro kaya sisikapin namin na lampasan ang 8th place noong 2017 sa Thailand.”

Sinamahan si Ramos nina team manager Peter Eriksson, Coach Noel Alm Johansson at player Ryan Hallden. Si Hallden na isa sa mga inaasahan na mangunguna sa pambansang koponan ay ipinanganak sa Maynila pero, naninirahan na ngayon sa Sweden at naglalaro ng Floorball sa liga sa Norway. Ang Floorball ay nilalaro ng anim na manlalaro at ito ay may hawig sa Ice Hockey na walang yelo at ice skates. Ayon kay Coach Johansson na isang purong Filipino na inampon ng isang pamilya sa Sweden noong sanggol pa siya, ang Floorball ay bagay na bagay para sa mga Pinoy dahil hindi mahalaga ang tangkad at malaking bagay ang pagiging likas na mabibilis at maliksi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page