top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG UMUNLAD KUNG HINDI MAGIGING MAYABANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
3 min read

Dear Maestro,

Maaari ba ninyong ta­la­kayin ang aking kapala­ran kung ano ang dapat kong gawin upang ako ay magtagumpay sa materyal na bagay at sa larangan ng pag-ibig? Ako ay may birth date na 27 o 9 sa destiny number na 8. Magtata­gum­pay ba ako at magiging maligaya, balang-araw? September 9, 1988 ang birth­day ko.

Umaasa,

Mr. Virgo ng Langka, Jaen, Nueva Ecija

Dear Mr. Virgo,

Siguradong magtata­gumpay ka sa materyal na ba­gay dahil sa destiny num­ber mong 8 (9+9+1988= 2006/ 20+06=26/ 2+6=8). Ang problema ay kung kaya mong mag-ipon o mag­pundar ng kabuhayan dahil sa birth date mong 9 na medyo may pagkabulagsak at pagkamayabang.

“Simpleng buhay” ang por­mula sa lahat ng iyong prob­lema upang matupad mo ang iyong pangarap na mag­tagumpay sa larangan ng ma­teryal na bagay at sa pag-ibig.

Halimbawa, nagkaroon ka ng maraming pera, huwag mong gawing masarap ang inyong ulam, araw-araw at ‘wag din malaking halaga ang ibigay mong baon sa mga bata, gayundin, hindi dapat kayo buwan-buwan nagsa-shopping, sa halip, “sim­pleng ulam lang” na medyo tipid tulad ng mumurahing gulay ang ipa­kain mo sa iyong mga anak at imbes na mag-shopping sa mall, sa palengke na lang kayo ma­mili upang mas ma­ka­mura kayo.

Halimbawa pa ulit, may cellphone ka na, huwag ka ng bumili ng latest model, gayung buo at napakikina­ba­ngan pa ang dati mong cell- phone. “Simpleng pa­mu­mu­­hay lamang ang ipa­mu­mulat mo sa iyong mga anak” magkakaroon ka ng ma­sinop na ugali na mama­nahin ng mga bata na hahantong sa ma­unlad at masaganang pa­mumuhay.

Sa ganyang paraan, umu­unlad ang mga “taong osto” tulad mo na may destiny num­ber na 8. Ang susi o por­­mula, marunong silang ma­mu­hay nang simple lang at ini­iwasan din nilang magma­ya­bang sa lipunang kanilang gi­nagalawan na kamu­kat-mukat mo, mayamang-maya­man na pala ‘yung taong otso sa inyong lugar dahil hindi sila mayabang at natutunan nilang mamuhay nang simple lang.

Sa pag-ibig, talagang med­yo malungkot ang nagi­ging karanasan ng mga taong 27 o taong nuwebe (2+7=9) na tulad mo, masyado kasi kayong “idealistic”. ‘Yun ang sinasabi natin kanina na may kayabangan sila. Ang gusto nilang mapangasawa ay ‘yung mas magaling sa kanila.

Ibig sabihin ng mas maga­ling sa kanila, halimbawa ay college graduate, kinikilala sa lipunan o kaya ay mayaman ang gusto nilang mapanga­sawa. Kaya sa bandang huli, dahil nagiging sobrang mapili sa pag-ibig ang mga taong nine (9) hindi nila namamala­yan na “naubusan” na pala sila ng pamimilian hanggang sa abutin nila ang pagtandang dalaga o pagtandang binata na hindi mo dapat gawin.

Samakatwid, huwag kang maghanap ng “perfect part­ner” gayung hindi ka naman perpektong nilalang sa ha­lip, kilalanin mong mabuti ang iyong sarili. Sino ka ba talaga, ano ang iyong mga kapasi­dad at talento? Kung alam mo kung sino ka talaga, ‘yung ka­tulad mo ang estado ng pa­mumuhay ang hanapin at pi­liin mong maging part­ner.

Ma­aari ring medyo mas ma­baba ang an­tas sa iyo ng na­sabing haha­napin mong ka-partner, pero mabait at ma­sinop din sa pa­mumuhay. Sa ganyang para­an, liligaya ka sa pag-ibig at mas madali pang matutupad ang panga­rap mong umunlad at mag­ka­roon ng maalwan at pang­habambuhay na pa­milya.

Ayon sa iyong Love Ca­lendar, upang lumigaya ka sa buhay-pag-ibig isaalang-alang mo ang mga taong isinilang sa zodiac signs na Capricorn, Taurus, Pisces, Cancer at ka­p­wa mo Virgo na may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 5, 14, 23, 7, 16 at 25.

Kung su­sun­din mo ang mga sim­pleng rekomen­dasyong ini­lahad na sa itaaas, “simpleng buhay at pagpa­pakatao” na hindi masya­dong mayabang at mapag­mataas na akala mong ubod ng galing at husay, uunlad ka at mas ma­giging maligaya na magsi­simulang mangyari sa taong 2032, sa edad mong 44 pa­taas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page