Mag-asawang tulak tiklo sa drug-bust
PAMPANGA—Nadakip ng pulisya sa isinagawa nilang drug-bust operation, kamakalawa ang mag-asawang drug pushers sa Bgy. San Nicolas, Angeles City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Christine at Marco Lazaro, kapwa residente ng Bgy, Pandan sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mag-asawang drug pushers na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments