VICTORIOUS FILLY PATOK

SISIKAD ngayong gabi ang 7 karera sa Saddle and Clubs Leisure Park na lalahukan ng Additional One Win in Group Races sa Naic, Cavite.
Sa ganap na 6:40 p.m. magsisimula ang karera sa Race 1, kung saan magsisimula ang Winner-Take-All (WTA) Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six at pinapaboran ang Halo Wander at Classic Gee.
Sa Race 2, aalagwa ang Group Race (10) at paglalabanan ng mga kalahok na Misha at couple entry na Spectrum, Talilibanana at Oceanside. Labanang umaatikabo sa pagitan ng Grandox at Gee’s Song sa Race 3, umpisa ng Pick 5. Binibigyan ng panalo ang Cups In Raver habang makakalaban ang Parokya ni Nitoy at couple entry na Greater Good at Speedy Wego sa Race 4 na simula ng Pick 4.
Nakalalamang ang Pronto laban kay Born In April habang posibleng tumalo ang Constitution sa Race 5. Ipinapatok ang Victorious Filly at magbibigay ng magandang laban ang mga kalahok na Driven, Critical Moments, Exhilarated at Jun Tailor sa pagtikada ng Race 6.
Binibigyan ng magandang laban ang Daanbantayan at Believable at iminumungkahi na isama sa talaan ng inyong mga paratingan ang Oakhill Princess sa Race 7. Tip ni Mang Ding: Race 1-Classic Gee (9) Halo Wander (7) Race 2- Misha (6) Entry No.4 Race 3- Ggrandox (6) Gee’s Song (4) Race 4- Cups In Raver (6) Parokya ni Nitoy (5) Entry No.3 Race 5- Pronto (2) Born In April (3) Race 6- Victorious Filly (5) Driven (4) Race 7- Daanbantayan (6) Believable (1) WTA (1-7) 9-7/ 6-4/6-4/6-5/2-3/5/6-1 Pick (6) 6-4/6-4/6-5/2-3/5/6-1 Pick (5) 6-4/6-5/2-3/5/6-1 Pick (4) 6-5/2-3/5/6-1





Comments