Pusher na lola nasakote
Pabs Hernandez III
Jul 2, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang drug pusher na lola ang inaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Anunas, Angeles City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Milagros Calica, 63-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng marijuana at P500 markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Calica na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments