Palabang aktres, napaiyak… CHERIE GIL, NAKATIKIM KAY JOSE SA SHOW
- BULGAR

- Jul 2, 2019
- 1 min read

KUNG sino pa ang astig at palaban ang imahe ay ‘yun pala ang iyakin at emosyonal.
Kaya naman, nakantiyawan si Ms. Cherie Gil ni Jose Manalo last Sunday sa StarStruck dahil halos maiyak na ang magaling na aktres nang i-announce ni Jennylyn Mercado na walang matatanggal sa Final 14 na dumaan sa artista test.
Pero next week, hindi na raw mapipigil pa na mag-alis ng dalawang StarStruck finalists (1 girl, 1 boy). May kakaibang twist din dahil sa second chance na ibibigay sa anim na hopefuls na hindi pinalad na mapasama sa Final 14 na napili.
Papalit sa matatanggal na dalawang StarStruck finalists ang dalawa mula sa anim na StarStruck hopefuls at ang StarStruck councils lang ang pipili at boboto sa dalawang papasok pagkatapos ng kanilang performance.
For sure, mas nakaka-stress at challenging ang panibagong test na haharapin ng Final 14 sa linggong ito. Pahirap nang pahirap ang mga ipagagawa sa kanila ni Direk Mark Reyes kaya matira-matibay ang labanang magaganap.





Comments