top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bebot na naiinis sa dyowa ng BFF

  • ROMA AMOR
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Magandang araw! Ako si Steph, no boyfriend since birth at 23 years old na ako. Actually, hindi ko rin alam kung bakit wala pa akong dyowa sa edad kong ito. ‘Yung bestfriend ko, may usapan na kaming dalawa, since bestfriend ko siya, may night date dapat kami. Ganu’n kami ka-close, kaya super excited ako para sa night date na ‘yun, pero bigla niyang sinabing hindi raw siya makapupunta kasi nag-set daw ng date ang boyfriend niya. Nakakainis lang, ganu’n ba talaga ang mga magdyowa? Hindi ko kasi maintindihan na dapat ba talagang uunahin sila sa mga bestfriend? — Steph

Steph, Magandang araw din sa iyo, sis! Sa totoo lang, hindi mo masisisi ang bestfriend mo kung pinili niya ang lakad nila ng dyowa niya. Siguradong darating ka rin sa puntong maiintindihan mo siya, kumbaga, mararanasan mo rin ‘yan sa buhay mo. Ang maganda siguro ay i-reschedule na lang ninyo ang date n’yo. Ang pagpasok sa committed na relasyon ay bagay na paghahanda sa pagsasama ng dalawang tao sa panghabambuhay kaya ibalato mo na sa bestfriend mo na mas makilala pa niya ang dyowa niya nang sa gayun ay hindi niya pagsisihan kung sakali mang magsama na sila sa iisang bubong. Isa pa, bilang bestfriend, maging masaya ka na lang para sa kanya. Normal lang na hindi mo pa naiintindihan ang nangyayari dahil wala ka pa sa ganu’ng sitwasyon. ‘Yun lang! God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page